Ano ba ang Virtual Orientation? Ang virtual orientation ay ginaganap upang mabigyan linaw, at ipaalam sa mga estudyante ang nararapat at hindi nararapat sa loob ng klase. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Virtual Orientation bago magsimula ang klase? Upang magkaroon ng kaalaman ang mga estudyante tungkol sa Rules and Regulations ng ating paaralan.Dito pinag uusapan ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng Mission and vision ng ACTEC, Major and minor Offense kasama sin dito ang grading system at kahalagahan ng Attendance.
Nagdaos ng “Virtual Orientation” ang pamunuan ng ACTEC One sa mga Grade 11, Grade 12 at Semestral students noong Agosto 31, 2021 at Setyembre 1 – 2 ,2021 sa ganap na ika sampu ng umaga sa pamamagitan ng Google Meet na pinamunuan ng ACTEC one registrar’s. Nagsagawa ng Virtual Orientation upang talakayin ang ilang mga bagay na dapat malaman ng mga mag aaral ng ACTEC One .
Ang isa sa mga tinalakay dito ay ang mission and vision ng ating paaralan, tinalakay din dito ang mga rules and regulation ng ACTEC upang malaman ang mga Dapat at hindi dapat gawin habang nagkaklase isa na dito ang pagpatay ng mic kapag walang nagbigay sayo ng pahintulot na magsalita ,Magsuot ng naaayon na damit habang nagkaklase at iba pa . Isa rin sa mga pinag usapan ay ang Major and Minor Offense,ang simpleng hindi pagsuot ng naaayon na damit habang nasa klase ay nabibilang na ito sa minor Offense,ang pagmumura ,pagpapakita ng deadly weapons at walang paggalang sa staff at mga guro sa paaralan ay nabibilang naman sa major Offense.Tinalakay rin ang tungkol sa grading System at attendance,ipinaliwanag dito ang paraan kung paano bilangin ang mga marka ng mga estudyante, ipinaliwanag din dito ng ating registrar ang tungkol sa Learning Management System (LMS) Itinuro nila kung paano ito gamitin, sinabi din dito na ang attendance at ang pagpasok sa tamang oras ay mahalaga .
Isinulat Ni: Lyka Mae Villanueva (12 Moxie) & Abegail Tutesora (12 – Kalon)